Month: Nobyembre 2025

KINALIMUTAN NA ANG KASALANAN

Hindi ko nakita ang nyebe, pero naramdaman ko ito. Gumewang ang minamaneho kong pickup. Tatlong beses akong lumihis sa daan hanggang sa lumipad na ako sa ere. Halos labinlimang talampakan din ang itinilapon ko. Naisip ko, Masaya sana ito kung hindi lang nakakamatay. Hindi nagtagal, bumagsak ang sasakyan sa isang matarik na bangin at gumulong paibaba. Sira-sira ang sasakyan. Pero…

HIWAGA NG PANALANGIN

Kakapanaw lang ng asawa ng babae. Bukod sa kalungkutan, nag-aalala rin siya. Kailangan kasi niyang makalap ang ilang detalye tungkol sa aksidenteng ikinamatay ng asawa niya para makuha ang insurance nito. May pulis sanang tutulong sa kanya, pero naiwala niya ang calling card nito. Nanalangin ang babae at nagmakaawa sa Dios. Hindi nagtagal, nagpunta siya sa simbahan. Pagdaan niya sa bintana, may…

KUMAPIT KAY JESUS

Minsan, nahilo ako habang nasa hagdan ng opisina namin. Tila umiikot ang paligid ko, kaya kumapit ako sa barandal ng hagdan. Kumabog ang dibdib ko at nanghina ang mga binti ko. Laking pasasalamat kong matibay ang barandal. Kumonsulta ako sa doktor pagkatapos at nalaman kong may anemia ako. Hindi man malala ang sakit ko, pero hindi ko na malilimutan ang tindi…

MASUWERTE?

Nang marinig ni Tom ang β€œclick” sa ilalim ng combat boots niya, agad siyang tumalon palayo. Mabuti na lang, hindi sumabog ang bombang nakabaon sa ilalim ng lupang natapakan niya. Kalaunan, walumpung libra ng bomba ang nahukay doon. β€œAng masuwerte kong bota,” sabi ni Tom. Sinuot niya ang botang iyon hanggang sa tuluyan na itong masira.

Marahil pinahalagahan ni Tom ang…

PANALANGING MAY PAG-IBIG

Matagal nang maraming naiirita kay John sa simbahan. Mabilis kasi siyang magalit, mayabang, at gusto laging nasusunod. Marami rin siyang mga reklamo tungkol sa mga nagboboluntaryo sa simbahan. Sa totoo lang, hindi siya madaling mahalin.

Kaya nang nalaman kong may kanser siya, nahirapan akong manalangin para sa kanya. Naalala ko kasi ang masasakit na salita niya. Pero inalala ko ang…